Mga laro ngayon

(Smart- Araneta Coliseum)

4:15 n.h. -- Rain or Shine vs NLEX

7 n.g. -- Alaska vs Phoenix

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Masusubok ang katatagan ng Phoenix Fuel Masters na makabangon mula sa magkasunod na kabiguan sa pakikipagtuos sa tumitibay na Alaska Aces sa tampok na laro ngayon sa PBA Commissioner’s Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Natamo ng Fuel Masters ang maagang dagok matapos ang impresibong debut at sa laro sa ganap na 7:00 ng gabi, tatangkain nilang mapaliyab ang kampanya kontra sa liyamadong Aces.

Matapos mabigo sa kanilang unang laro sa kamay ng Blackwater, dalawang dikit na tagumpay ang itinala ng Alaska, pinakahuli ang 128-102 paggapi sa Rain or Shine Elasto Painter noong Pebrero 27 kung saan nanguna si PBA Press Corps Player of the Week Calvin “The Beast” Abueva sa naiposteng game-high 25 puntos, habang kumubra ang import nilang si Shane Edwards na may 23 puntos.

Umaasa si Aces coach Alex Compton na magpapatuloy ang magandang larong ipinakikita ng kanyang koponan.

“We all know what Calvin can do for the team. And Shane’s (Edwards) is a great guy, hopefully we just keep on winning,” sambit ni Compton.

Kasalo ng Aces ang San Miguel Beermen sa ikalawang puwesto sa likod nang nangungunang Meralco (5-0).

Sa unang laro, sisikapin ng Elasto Painters na bumangon mula sa kinasadlakang tatlong dikit na kabiguan kontra NLEX Road Warriors sa ganap 4:15 ng hapon.