Huminga nang malalim, at huminga palabas. Depende kung saan ka nakatira, ang hangin sa iyong kinalakihang lugar ay maaaring maging sanhi ng diabetes at obesity.
Tila mahirap paniwalaan ang idea na ang “thin air” ay maaaring maging sanhi ng labis ng katabaan, ngunit may mga pag-aaral na nagsasabing posible nga itong mangyari. Ang dalawang tao na pareho ang kinakain, at parehong nag-eehersisyo, pagkaraan ng ilang taon, ay maaaring mas maging mataba ang isa at ang isa naman ay hirap magpatunaw ng pagkain — salamat na lamang sa atmosphere sa kanilang tahanan.
Ang traffic at usok mula sa sigarilyo ay pangunahing alalahanin, sa pagkakaroon ng maliit at nakakairitang particle na nagpapatindi sa pagkalat ng usok at polusyon at nakakasira sa kakayahan ng katawan ng tao.
“We are starting to understand that the uptake and circulation of air pollution in the body can affect more than just the lungs,” ani Hong Chen, researcher sa Public Health Ontario at sa Institute of Clinical Evaluative Sciences sa Canada.
Nalaman sa mga dagang pinag-eksperimentuhan sa laboratoryo ang konkretong clue na hindi lamang sa baga may epekto ng air pollution. Ang breeder naturang mga daga sa Ohio State University na si Qinghua Sun, ay naging interesado sa pag-aaral kung bakit mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng sakit sa puso ang mga nakatira sa siyudad kumpara sa mga naninirahan sa probinsiya. Siyempre, isa na sa mga dahilan ang uri ng pamumuhay: sa mga pangunahing lungsod, konting lakad mo lamang ay may fast food chain na, na sanhi ng unhealthy eating.
Upang madagdagan pa ang mga nalaman, nagpatayo si Sun ng laboratory ng mga daga na may iba’t ibang klase ng kondisyon na maaaring maranasan sa iba’t ibang lugar. Ang iba ay humihinga ng malinis na hangin, at ang iba naman ay humihinga ng marumi at mausok na hangin. Sa ginawang pag-aaral, tinimbang ng kanyang grupo ang mga daga at isinailalim sa tests upang mapag-aralan kung paano gumagana ang kanilang metabolismo.
Pagkaraan ng 10 linggo, nakita na agad nila ang epekto. Ang mga daga na huminga ng maruming hangin ay nakitaan ng mas maraming body fat, sa tiyan at sa internal organs; kumpara sa mga daga na huminga ng malinis na hangin.
BBC News