Dumaan muna sa butas ng karayom ang dating NCAA champion Philippine Christian University bago pataubin ang Emilio Aguinaldo College, 102-94, sa 2016 MBL Open basketball championship sa EAC Sports and Cultural Center sa Manila.

Nagpasiklab sina Jon Von Tambeling at Mike Ayonayon para sa Dolphins, sumandal sa kanilang malakas na finishing kick, upang biguin ang Generals sa hitik sa aksiyon na duwelo sa torneo na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Bread Story, Dickies Underwear at PRC Couriers.

Si Tambeling ay umiskor ng 24 puntos, habang si Ayonayon ay nag-ambag ng 23 puntos para sa Dolphins, ginagabayan ngayon ng dating College of St. Benilde standout na si Elvis Tolentino.

Nakatulong din ang lima pang players --Yves Sazon, Jackson Corpuz, Dexter Mescallado Felix Apreku and Ford Ruaya – sa hataw ng Dolphins.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sina Jose Remy Morada at Sidney Nelson Onwubere ang nagdala ng laban para sa EAC ng bagong talagang coach na si Ariel Sison.

Iskor:

PCU (102) -- Tambeling 24, Ayonayon 23, Sazon 19, Corpuz 11, Mescallado 8, Apreku 6, Ruaya5, Castro 4, Catipay 4, Dungca 1, Leron 0,

EAC (94) -- Morada 32, Onwubere 15, General 9, Diego 8, Laminon 7, King 7, Neri 5, Bugarin 4, Aguas 2, Estacio 2, Pascual 2, Umali 2, Corilla 0.

Quarterscores:

16-19, 45-39, 74-73, 102-94