Umabot na sa mahigit 1,500 ang bilang ng lumabag sa Commission on Elections (Comelec) gun ban makaraang maaresto ang 32 katao dahil sa pagdadala ng baril.

Dahil dito, mahigpit ang paalala ni Chief Supt. Wilben Mayor, director ng Philippine National Police-Public Information Office (PNP-PIO) sa publiko na huwag magdadala ng baril sa labas ng kanilang bahay dahil sa umiiral na Comelec gun ban.

Sa ngayon, umabot na sa 1,561 ang naitala ng PNP na lumabag sa ipinatutupad na Comelec gun ban simula nang mag-umpisa ang election period noong Enero 10.

Ayon sa ulat, nasa 1,501 sibilyan ang naaresto dahil sa paglabag sa gun ban, habang 11 naman sa mga nadakip ay pulis, lima ang sundalo, 15 ang government officials, 20 ang security guard, may isang bombero, dalawang miyembro ng Citizens Armed Force Geographical Unit (CAFGU), at limang mula sa iba pang law enforcement agencies.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Nakakumpika ang pulisya sa mga checkpoint ng 1,173 baril at 14,818 patalim, simula noong Enero 10. (Fer Taboy)