LANGKAWI, Malaysia -- Nabigong mabawi ni Marcelo Felipe ang jersey para sa ‘Best Asian Rider’ matapos dumausdos sa ika-28 puwesto sa overall general classification sa Stage 4 ng pamosong Le Tour de Langkawi nitong Sabado.

Tumapos ang pambato ng 7-Eleven Sava RBP sa grupo sa ika-36 puwesto na bumagtas sa 129.4 kilometro sa tyempong tatlong oras, 21 minuto at 21 segundo.

May isang minuto at 44 segundo ang layo sa kanya ni Stage winner Miguel Angel Lopez ng Astana Pro Team na siyang may hawak din ng overall leadership.

Sa overall general classification, malayo si Felipe na 1:48 kay Lopez, sapat para malaglag din sa ikaapat na puwesto sa ‘Best Asian Rider’ category na kanyang nakuha sa unang dalawang leg ng karera.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nangunguna sa kasalukuyan si Othman Adiq Hussaine ng Terangganu Cycling Team na may 26 segundo ang bentahe kay Felipe.

Nasa ika-10 puwesto naman ang 7-Eleven Sava RBP sa labanan sa team category.