Ni REMY UMEREZ

MAINIT na tinanggap ng publiko ang pangalawang single ng pop-rock band na The Juans mula sa Viva Records. Napapanahon ang kanilang kantang Prom dahil buwan ngayon ng junior-senior proms sa schools.

Love song ang Prom na likha ni Carl Guevarra, keyboardist at vocalist ng banda. Kinagat ito nang husto when premiered sa mga pangunahing music channels tulad ng Myx at MTV Pinoy.

Binuhay ng music video ang mga eksena ng high school proms. Sa execution ni Direk Cabardo, ipinakita ang pagpunta ng “stag” o solo to the dance hoping na makatagpo ang dance partner.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Ang The Juans ay binubuo nina Carl, singer-rhythm guitarist na si Japs Mendoza, bassist na si Jason de Lesa, lead guitarit na siJiad Arroyo at ng dummer na si Daniel Grospe.

Para sa karamihan, kalakip ng high school days at junior-senior proms ang golden memories ng kabataan na mahirap kalimutan.

Ang Prom ay mula sa self-titled na EP album na ipinamamahagi ng Viva Records.