Nasawi ang isang lalaki, na isang umano’y palaboy, matapos na tumalon mula sa isang footbridge at pagbagsak sa kalsada ay nakaladkad ng isang pampasaherong bus sa Quezon City, kahapon.

Hindi pa nakikilala ang biktima, na tinatayang nasa edad 30.

Sinabi ng street sweeper na si Leonides Latoria na bago ang insidente ay naglalakad ang lalaki sa ibabaw ng footbridge dakong 6:00 ng umaga.

Bigla na lang umanong tumalon ang lalaki mula sa footbridge at nang bumagsak sa kalsada ay kinaladkad naman ito ng Kelly bus (UVU-399) na agad nitong ikinamatay.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Pinaghahanap na ng pulisya ang hindi pa nakikilang driver ng bus na tumakas matapos ang insidente. (Rommel P. Tabbad)