MARAMI ang nasorpresa sa We Will Survive nang tawagin ang dating Kapuso diva na si Jonalyn Viray para kumanta ng theme song ng seryeng pinagbibidahan nina Pokwang at Melai Cantiveros.

JonalynAng kanyang presence sa event at pagkanta ng I Will Survive ay pagpapatunay na Kapamilya contract star na siya.

Sa interview sa kanya after singing the theme song ng serye, inamin ni Jonalyn na kabado siya sa kanyang unang pagyapak sa ELJ building.

“First time ko po, kinakabahan po ako kasi siyempre bagong environment, bagong mga makakatrabaho. Pero siyempre po masaya ako, bagong experiences po ito para sa akin, so nai-excite po ako.”

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

Ipinaliwanag din niya kung bakit “Jona” na lang ang gagamitin niyang pangalan sa pagpapatuloy ng kanyang career sa ABS-CBN.

“Ah, ‘yung Jona po, actually nickname ko po kasi siya at ‘yon po ang ‘binigay na pangalan sa akin ngayon kasi nga it’s a fresh start, bagong home din po, bagong environment kaya po bagong name din—Jona.”

Inaasahan nang siya ang bagong karagdagang singer sa ASAP.

“Why not kung mabibigyan po ng pagkakataon, okey po sa akin,” mapagpakumbabang sagot niya.

Sa hiwalay na interview, sinabi ng kanyang manedyer na lumipat sila sa ABS-CBN 7 dahil walang  mailatag na plano for Jona ang GMA-7.

“We we’re asking for a platform (for Jona’s singing career), eh, wala,” kaya napag-isip-isip nilang lumipat lalo na’t expired na ang kontrata ng singer sa Kapuso Network.

“Hindi lang naman pera-pera ang hinahanap namin, plataporma,”  pahayag ng manager ng dalaga.

Sinegundahan naman ito ni Jona.

“Siguro po kasi, mas binigyan po nila (ABS-CBN) ako ng tiwala sa ngayon at kumbaga meron pong naka-line-up talaga na project for me,” pagtatapos ng singer. –Ador Saluta