Kulungan ang kinasadlakan ng tatlong katao, kasama ang isang babae, makaraan silang mahuli sa akto na humihithit ng shabu sa loob ng isang pampublikong sementeryo sa Malabon City, nitong Sabado ng gabi.

Ayon kay Senior Supt. Severino Abad, hepe ng Malabon City Police, paglabag sa Section 11 ng R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) ang kinakaharap na kaso nina Fernando Estopasi, 32; Johnny Minghay, 44, kapwa taga-Tumaris Street, Bgy. Tugatog; at Lorna Hermady, 36, promodiser, ng Maya-Maya Street, Bgy. Longos, Malabon City.

Narekober mula sa kanila ang isang plastic sachet na may lamang shabu at drug paraphelnalia.

Sinabi ni Abad na dakong 9:20 ng gabi nitong Sabado nang nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG), at ang mga operatiba ng Police Community Precinct (PCP) 4 sa lungsod, hanggang sa nagawi sa Tugatog Public Cemetery.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa sementeryo, napansin ng mga awtoridad na may ilaw sa gawing dulo ng sementeryo.

“Nag-flashlight po ang pulis natin at nakita na nagpa-pot session ‘yung mga suspek,” ani Abad. (Orly L. Barcala)