BALER, Aurora - Sa kasagsagan ng paghahanda ng Aurora para sa eleksiyon sa Mayo 9, pumutok ang balita ng pagsasampa sa Office of the Ombudsman ng kasong graft laban kay Gov. Gerardo Noveras at sa sampu pang opisyal ng pamahalaang panglalawigan kaugnay ng maanomalyang pagbili ng isang heavy equipment.

Kinasuhan ng graft si Noveras, bukod pa sa gross negligence, misconduct in office, kasama sina Executive Assistant Isaias Noveras, Jr., Provincial Administrator Simeon De Castro, Provincial Legal Counsel Atty. Paz Torregosa, General Services Officer Ricardo Bautista, Provincial Budget Officer Norma Clemente, Provincial Treasurer Norberto Herminigildo, Provincial Equipment Officer Cornelio Ancheta, Assistant Provincial Engineer Benedicto Rojo, Engr. Alfredo Benzon, at Jose Friginal.

Ang siyam na pahinang reklamo ay inihain sa Ombudsman nina Engr. Amado Elson Egargue, ng Barangay Suklayin; at Engr. Rodante Tolentino, na kapwa sinuspinde ni Noveras sa puwesto.

Ayon sa mga complainant, nagkaroon umano ng sabwatan sa pagbili ng bagong Komatsru wheel loader (WA380Z) na umaabot sa P58,555.587.27, at dalawa ang obligation request na nai-charge sa 20 porsiyentong development funds ng probinsiya noong 2013.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Ang transaksiyon, anila, ay nangyari sa pagitan ng Marubeni Corporation ng Japan at ni Noveras nang walang awtorisasyon mula sa Sangguniang Panglalawigan.

Natuklasan din ng Commission on Audit (CoA) ang umano’y maanomalyang procurement sa nasabing heavy equipment at hiniling kay Noveras na magsumite ng komento hinggil dito. (Light A. Nolasco)