CAMP GEN ALEJO SANTOS, Bulacan – Tatlong lalaki, kabilang ang isang menor de edad, ang dinakip ng pulisya sa panghahalay sa isang 10-anyos na babae, na pinasok nila sa bahay nito sa Barangay Muzon sa San Jose Del Monte City, nitong Huwebes ng hatinggabi, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ni Senior Supt. Timoteo G. Pacleb, Bulacan Police Provincial Office officer-in-charge (OIC) director, ang mga naaresto na sina Jeffrey Santiago y Jotojot, 40, may asawa, tricycle driver; Ivan Santiago y Licay, 20, estudyante, kapwa ng Harmony Hills, Bgy. Muzon; at isang 17-anyos na estudyante.

Ayon sa report ni San Jose del Monte Police officer-in-charge chief, Supt. Raniel Valones, Nobyembre 19, 2015 nang unang gahasain ng binatilyong suspek ang biktima.

Hatinggabi nitong Huwebes nang pasukin ni Ivan ang bata sa bahay nito at gahasain, at makalipas ang ilang minuto ay pumasok naman sa bahay ang binatilyo at hinalay din ang biktima, na sinundan naman ni Jeffrey.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Makalipas ang insidente, namataan ng tiyuhin ang bata habang pinagmamasdan sa salamin ang namamagang ari nito, kaya dinala niya ang pamangkin sa ospital para masuri, hanggang sa ipinagtapat na ng bata ang sinapit nito.

(Freddie C. Velez)