Tommy Esguerra lang_PLS CROP copy

PANOORIN ang kuwento ng pakikipagsapalaran ni Tommy Esguerra bago siya naging housemate at tanghaling 2nd Big Placer ng Pinoy Big Brother 737 na siya mismo ang gaganap ngayong gabi sa MMK.

 

Lumaki si Tommy sa Long Beach, California sa isang broken family nang mag-divorce ang kanyang mga magulang. Ngunit sa kanyang paglaki, naging mas mahigpit ang kanyang ina sa takot na mapariwara at maligaw siya ng landas.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Hindi nagtagal ay unti-unti nang nasakal si Tommy sa tradisyonal na disiplina ng ina, hanggang sa tuluyan siyang maglayas para layuan ang problema sa pamilya.

 

Lalong tumindi ang hidwaan nilang mag-ina nang tumutol ito sa pagpasok ni Tommy sa modeling world.

 

Sa kabila nito, umuwi siya ng Pilipinas at kalauna’y pumasok sa PBB upang patunayan sa kanyang pamilya na kaya niyang abutin ang kanyang mga pangarap.

 

Makakasama ni Tommy sa upcoming episode ng MMK sina Aiko Melendez, Cris Villanueva, John Spainhour, Claire Ruiz, Markki Stroem, Josh Ford, Asley Colet, Rochelle Barrameda, Eucar Benedicto, at Tom Doromal, mula sa panulat ni Benson Logronio at sa direksyon ni Nuel Naval.