BUTUAN CITY – Isang umano’y dating pulis ang naaresto sa entrapment operation na isinagawa ng Surigao City Police-Intelligence Section nitong Miyerkules ng gabi, sa Purok 5, Barangay San Juan, Surigao City, sinabi kahapon ng tagapagsalita ng regional police.

Kinilala ni Supt. Daniel L. Peusca, Public Information Officer (PIO) ng Police Regional Office (PRO)-13, ang nadakip na si Richborn M. Cagas, 38, ng Purok 8 Navalca, Bgy. San Juan, Surigao City.

Si Cagas ay pang-sampu sa priority target list ng mga sangkot sa ilegal na droga sa Surigao del Norte, ayon sa PRO-13.

Nakumpiska ng mga pulis mula kay Cagas ang mahigit P35,000 halaga ng shabu, drug paraphernalia, P660 cash, 500 marked money, at isang berdeng Nokia cell phone, ayon kay Peusca. (Mike U. Crismundo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog