LOS ANGELES (AP) — Hindi itinuloy ni Bill Cosby ang kanyang isinampang kaso laban sa supermodel na si Beverly Johnson.

Batay sa court records, iniurong ng mga abogado ni Cosby ang kaso nitong Pebrero 19.

Ayon sa kanyang abogado na si Monique Pressly na nagpadala ng email nitong Huwebes, ginawa ni Cosby ang nasabing desisyon upang pagtuunan ng pansin ang kanyang kaso sa Pennsylvania.

Si Cosby ay nahaharap sa kasong pang-aabuso sa dating Temple University employee sa kanyang tahanan sa Philadelphia noong 2004. Pinabulaanan niya ang mga akusasyon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ayon pa kay Pressly, plano ni Cosby na ipagpatuloy ang kaso laban kay Johnson bago mapaso ang statute of limitations.