Bea Binene copy copy

WALANG boyfriend si Bea Binene, after ng more than one year na nilang breakup ni Jake Vargas. Balitang may girlfriend nang non-showbiz si Jake, siya, uubra pa ba kung itutuloy ang panliligaw sa kanya ni Derrick Monasterio na ka-love team niya sa bagong afternoon prime drama na Hanggang Makita Kang Muli?

“I’m not closing my doors po naman to anyone,” sagot ni Bea. “Yes, nanligaw po noon si Derrick, pero hindi ko alam kung bakit hindi niya itinuloy ang panliligaw niya. Sa ngayon po, kailangan ko munang unahin ang priorities ko. Mahirap po ang role ko rito sa bago naming soap. Mahirap pong gampanan ang role kong isang tao pero ang kilos ay sa isang aso dahil lumaki siya since two years old pa lamang siya, sa isang room na ang kasama lamang ay isang aso, kaya akala niya iyon ang dapat niyang gayahin. 

“Palundag-lundag din siyang kumilos at parang aso talaga kung lumakad. Noong una po talagang nakaka-drain, pero binigyan ako ng drive at inspirasyon ng mga kasama ko at ni Direk Laurice (Guillen).”

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Hindi itinanggi ni Bea na muntik na siyang mag-backout lalo na nang “ma-award” siya ni Direk Laurice, dahil gayong ilang araw na silang nagti-taping ay hindi niya maibigay ang performance na ini-expect nito sa kanya.

Nagpasalamat siya na dahil sila ni Ina Feleo ang laging magkaeksena, nagkaroon sila ng ilang araw na workshop na nakatulong nang malaki sa kanya. 

Hindi raw niya alam na may ganoong cases na ang isang tao ay nakukuha ang kilos at ugali ng isang hayop. Kinailangan din niyang magsuot ng silicon at seamless outfit na nagmumukha siyang hubad na tulad ng isang aso.

At para makapa-concentrate sa kanyang role, hindi muna nag-enrol sa kanyang Film course this term si Bea sa Mint College sa The Fort.

Ang iba pang kasama ni Bea sa afternoon prime ay sina Raymart Santiago at Angelika dela Cruz na gaganap bilang parents niya, Rita Avila, Kim Rodriguez, Ramon Christopher, Jak Roberto, Marco Alcaraz, Shr Valdez, at Ms. Luz Valdez. Mapapanood na ito simula sa Lunes, March 7 pagkatapos ng Wish I May. (Nora Calderon)