TARLAC CITY – May kasamang acting ang gimik ng isang kilabot na carnapper sa Barangay Estrada sa Capas, Tarlac, na nagkunwaring may humahabol sa kanya at nagpasaklolo pa sa driver ng pampasaherong jeep, upang sa bandang huli ay matangay niya ang sasakyan nito sa Barangay Maligaya, Tarlac City.

Pormal na dumulog sa Police Community Precinct-8 sina Francis Esguerra, 33, driver; at Erlinda Tamayo, 52, vegetable dealer at may-ari ng jeepney (PGG-299) na minamaneho ni Esguerra, kapwa ng Bgy. Sto. Rosario, Capas.

Dakong 3:00 ng umaga at magkasamang binabagtas nina Esguerra at Tamayo ang highway sa Bgy. Estrada nang biglang humabol ang hindi nakilalang suspek at nang pinasakay ay nag-dialogue ng: “Tulungan n’yo ako, papatayin nila ako!”

Agad namang pinasibad ni Esguerra ang jeep hanggang makarating sila sa tapat ng isang convenience store malapit sa gate ng Northern Luzon Command (NolCom) at Highway Patrol Group (HPG).

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Ayon sa report, nang bumaba sa jeep sina Tamayo at Esguerra ay sinamantala ito ng suspek at pinaharurot ang sasakyan. (Leandro Alborote)