Pinagtibay ng Kamara ang panukalang batas na nagpapalawig ng hanggang dalawang taon pa sa “buhay” ng Claims Board, o hanggang Mayo 12, 2018, upang mabigyan ng sapat na panahon ang lahat ng lehitimong martial law human rights victims na mabigyan ng kaukulang kompensasyon dahil sa pinsalang natamo noong umiiral pa ang batas militar.

Ipinasa ang HB 6412 upang bigyan ng kumpletong oportunidad ang mga biktima ng martial law para kilalanin ang mga ito at tumanggap ng bayad sa pagdurusa at sakripisyo na naranasan noong rehimeng Marcos.

Ang panukala, na inakda nina Reps. Ibarra M. Gutierrez III, Angelina L. Katoh at Jose Christopher Y. Belmonte, ay may pamagat na “An Act Extending The Life of the Human Rights Victims Claims Board” bilang pag-amyenda sa Section 29 ng RA 10368 (An Act Providing for Reparation and Recognition of Victims of Human Rights Violations during the Marcos Regime).

Ipinaliwanag nila na ang Claims Board, isa sa lupon na nilikha ng batas at binuo noong Pebrero 2014, ay tumanggap na ng 75,537 aplikasyon para sa reparasyon o pagkilala hanggang sa deadline ng paghahain ng mga aplikasyon noong Mayo 30, 2015. (Bert de Guzman)

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso