DAGUPAN CITY, Pangasinan – Natagpuang wala nang buhay at pinaniniwalaang nagpakamatay ang isang barangay tanod na may-ari ng palaisdaan sa Sitio Sweet sa Barangay Pugaro, sa siyudad na ito.

Ayon sa pulisya, dakong 7:30 ng umaga nitong Lunes nang madiskubre ang wala nang buhay na si Daniel Sanchez, 58, may asawa, residente sa lugar, habang nakabigti ng nylon cord sa kisame.

Batay sa imbestigasyon, dumanas ng matinding depression si Sanchez dahil sa matinding kahihiyan matapos siyang ipagharap ng kasong rape ng kapatid niyang babae noong nakaraang buwan.

Sinabi ng pulisya na inakusahan si Sanchez ng sariling kapatid sa panghahalay sa anak na babae ng huli na may kapansanan sa pag-iisip.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Simula nang makasuhan, ilang beses nang nabanggit ni Sanchez sa kanyang pamilya na magpapakamatay siya.

Isasailalim sa awtopsiya ang bangkay ni Sanchez para matukoy ang sanhi ng kanyang pagkamatay. (Liezle Basa Iñigo)