GEN. NATIVIDAD, Nueva Ecija – Hanggang sa kabilang buhay ay binaon ng isang 27-anyos na binata ang matinding problemang kanyang dinadala matapos siyang matagpuang nakabigti sa loob ng isang kubo sa Barangay Kabulihan sa bayang ito, noong Martes ng umaga.

Suicide ang iniulat ng Gen. Natividad Police na dahilan ng kamatayan ni Christopher Sagun y Verdin, farm laborer, at residente sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ni PO1 Nonato Aguilar, dakong 9:54 ng umaga nang madiskubre ang nakabiting bangkay ng binata sa loob ng kanilang kubo. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito