Tumaas ng P20 ang presyo ng karneng manok sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Idinahilan ng mga negosyante ang epekto ng nararanasang El Niño phenomenon at pangamba sa Newscastle disease sa kanilang pagtaas ng presyo.
Kabilang ang Balintawak Market sa mga pamilihan na nagpatupad ng price adjustment sa karne ng manok.
Gayunman, iginiit ng Department of Agriculture (DA) na hindi apektado ng mga nabanggit na krisis ang supply ng manok kaya walang dahilan upang tumaas ang presyo nito.
Nagbabala si Agriculture Undersecretary Jose Reano sa mga negosyante na nagsasamantala sa sitwasyon upang maitaas ang presyo ng kanilang mga produkto. (Rommel P. Tabbad)