ISULAN, Sultan Kudarat – Dalawang katao, kabilang ang isang anim na taong gulang na lalaki, ang nasawi sa pagsabog ng isa sa dalawang granada na inihagis ng hindi pa nakikilalang suspek sa isang peryahan sa kainitan ng selebrasyon ng pista sa Barangay Poblasyon sa Esperanza, Sultan Kudarat, nitong Linggo ng gabi.

Sa ulat ng Esperanza Police, kinilala ang mga nasawi na sina Alton John Antonio, 6, ng Bgy. Pamantingan; at Toto Villaruel, 48, may asawa, ng Esperanza. Napaulat na umabot naman sa 37 ang nasugatan at dinala sa iba’t ibang pagamutan sa lalawigan.

Ilan sa mga nasugatan ay kinilalang sina Melvin Garcisa, 55 anyos; Marcelo Iyata, 28; Juanito Jugar, 32; Jayson Honorio, 23; Sharon Funticha, 20; Sonny Ibañes, 41; Ely Carnate, 47; Raquel Aceres, 37; John Rell Kanakan, 19; Louie Bakat, 19; at isang Norodin Ali, 19, pawang taga-Esperanza.

Nakuha naman sa lugar ng pagsabog ang dalawang safety lever at tatlong ring pin, gayundin ang hindi sumabog na isa sa dalawang MK2 fragmentation grenade.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nagpapatuloy naman ang masusing imbestigasyon ng Esperanza Municipal Police, para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (Leo P. Diaz)