GEN. TINIO, Nueva Ecija – Kasunod ng mainitang pakikipagtalo sa kanyang misis habang nag-uusap sila sa cell phone, isang 30-anyos na tricycle driver ang nagbigti sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Padolina sa bayang ito, nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang nagpatiwakal na si Mark Joseph Pajarillaga y Digmas, ng Bgy. Padolina, na natagpuan ng kanyang tiyahin sa pagkakabigti sa loob ng kanyang bahay.

Lumitaw sa pagsisiyasat ni PO3 Julius Almera, dakong 8:20 ng umaga nitong Linggo, habang kausap ni Pajarillaga sa cell phone ang asawa ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa na humantong sa pagbabanta ni Pajarillaga na magpapakamatay ito. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae