Hinihiling ng isang kongresista sa National Irrigation Administration (NIA) na huwag nang singilin ng irrigation service fees (ISF) ang mga magsasaka sa Cotabato.

Sa House Resolution 2656, sinabi ni North Cotabato 3rd District Rep. Jose I. Tejada na isa ang lalawigan sa mga probinsiyang tinukoy ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA) na may pinakamataas na tsansang tamaan ng El Niño, na pipinsala sa mga palayan.

Sa katunayan, ayon kay Tejada, sa bisa ng Resolution No. 014 ng Sangguniang Panlalawigan na inisyu noong Enero 19, 2016, ay isinailalim sa state of calamity ang Cotabato, dahil sa matinding tagtuyot at pamemeste ng daga.

(Bert de Guzman)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?