Umabot sa 41 bayan at lungsod sa Central Luzon ang inilagay sa election watch list ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni Police Regional Office (PRO)-3 Director Chief Supt. Rudy Lacadin na ang nasabing 41 lugar sa rehiyon ang kanilang babantayan sa halalan sa Mayo 9, matapos tukuyin sa 1st Regional Joint Security Coordinating Center Conference.

Tinukoy na areas of concern ang Dingalan, Baler, at Maria Aurora sa Aurora; Mariveles at Limay sa Bataan; Doña Remedios Trinidad, San Jose Del Monte City, San Miguel, San Ildefonso, Baliwag, at Meycauayan sa Bulacan.

Nasa election watch list din ang Bongabon, Cabanatuan City, Jaen, Aliaga, Quezon, Licab, Zaragoza, San Leonardo, Muñoz, Pantabangan, Sto. Domingo, Gapan, Cabiao, Talavera, General Tinio, San Antonio, at Talugtug sa Nueva Ecija; Arayat, Masantol, at Mexico sa Pampanga; Bamban, Paniqui, San Jose, Capas, San Manuel, Tarlac City, at Mayantoc sa Tarlac; at Botolan, Castillejos, at Masinloc sa Zambales. (Fer Taboy)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito