CANDELARIA, Quezon – Dalawang katao, kabilang ang isang 16-anyos na babae, ang tinamaan ng ligaw na bala, makaraang magmintis ang pamamaril ng isang karpintero sa sinugod niyang obrero sa Barangay Bukal Sur sa bayang ito, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Katleen L. Recio, 16, estudyante, residente sa lugar; at Salvador D. Domdom, Jr., 39, may asawa, ng Bgy. Lagalag, Tiaong.

Dakong 8:20 ng gabi at abala si Romeo G. Macaraig, 47, binata, obrero, sa pagre-repair sa antenna ng kanyang kapitbahay nang dumating si Anthony L. Omaña, 26, binata, karpintero, bitbit ang isang sumpak at dalawang beses na binaril si Macaraig, ngunit parehong nagmintis.

Naaresto ng pulisya si Omaña. (Danny J. Estacio)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?