DAPAT na munang ipagpaliban ang pagbubuntis sa taong ito (2016) dahil sa pagkalat ng Zika virus. Pakiusap ni Department of Health (DoH) Sec. Janette Garin sa mga Pinay na huwag munang magbuntis (o magpabuntis) upang hindi maapektuhan ang mga sanggol sa pagkakaroon ng microcephaly (sanggol na maliliit ang ulo) at hindi kumpleto ang formation ng utak.

Sec. Garin, ang dapat mong pagsabihan ay ang kalalakihan na magtimpi muna at huwag kalabitin si misis at pigilan ang panggigigil. Magtiis muna sila. Ang Zika virus ay dulot ng kagat ng lamok na aedes aegypti. Mga lalaki, kaya ba ninyo ito?

***

Ngayon ang unang araw ng ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution nang kumalas sina Fidel Ramos (AFP vice chief of staff at PC-INP chief noon) at Juan Ponce Enrile (Defense Minister) sa administrasyong Marcos noong 1986.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Maituturing itong “defining moment” para sa mga Pilipino na sumuporta sa pagpapabagsak sa isang diktador na sumupil sa kalayaan, nagpakandado sa mga media publication, radio at TV, ginawang tuta ang Supreme Court (SC) at kahit sino ay puwedeng ipadakip at ikulong nang walang takdang panahon kahit walang kaso. Sabi nga ni JPE: “Edsa One has evaporated.” Wala na nga ba itong halaga?

***

Nagbanta si Mayor Rodrigo Duterte na hindi dadalo sa presidential debate sa Mindanao kapag hindi pinayagang makapag-cover ang local media sa naturang debate. Hindi umano dapat solohin ng Manila-based journalists ang pagko-cover dito. Samantala, hindi niya maapula ang galit ng mga manggagawa bunsod ng banta na bubuwagin ang labor organizations na magtatatag ng mga unyon sa loob ng economic zones.

***

Iginiit ni Solicitor-General Florin Hilbay na si Sen. Grace Poe ay isang natural-born Filipino at siya ay may sapat na residency sa bansa. Itinanggi ni Susan Roces na si Grace ay anak nina Pres. Marcos at kapatid na si movie actress Rosemarie Sonora. Hindi na raw kailangan pang magpa-DNA test ni Sen. Bongbong Marcos. (BERT DE GUZMAN)