Nagtipun-tipon nitong sabado ang grupong “Ikatlong Lahi” sa La Isla Bonita Resort sa Rosario, Cavite upang magprotesta laban sa kontrobersiyal na komento ng world boxing champion na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao laban sa mga lesbian, gay, bisexual, at transgender (LGBT).
Pinakamalaking grupo ng LGBT sa Rosario, naghimutok ang Ikatlong Lahi laban sa naging komento ni Pacquiao kaugnay ng same-sex marriage sa pagsenyas ng thumbs down sa harap ng limang-talampakan na tarpaulin image ng boxing legend na ikinabit sa isang poste sa dalampasigan ng resort.
Nanatili sa resort ng dalawang oras nitong Sabado ng umaga, nakasuot pa ng boxing gloves ang mga raliyista—karamihan ay mga beautician at vendor—at pinagsusuntok ang nasabing imahe ni Pacquiao.
Ayon kay Sid Luna Samaniego Samaniego, municipal media coordinator, batay sa pahayag ng grupo, labis na nadismaya ang Ikatlong Lahi sa pagsasabi ni Pacquiao na ang mga LGBT ay “masahol pa sa hayop”. - Anthony Giron