MAS matindi ang kalaban ngayon ni eight division world champion Manny Pacquiao kaysa laban niya noon kay Mayweather. Ang kasagupa ni Pacquiao, na kandidatong senador sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) ni VP Jojo Binay, ay kasapi ng LGBT (lesbian, gay, bisexual at transgender). Kabilang sa pederasyong ito sina Boy Abunda, Ladlad Chairman Dante Remoto, LGBT Silahis Group chairman Estelito Ortega, Vice Ganda, Aiza Seguerra, at iba pa.

Nagalit ang mga bakla at tomboy nang sabihin ni Manny na kontra siya sa same-sex marriage dahil labag ito sa aral ng Diyos batay sa nakasaad sa Bibliya. Lalong nag-umulol ang galit ng LGBT sa Pambansang Kamao nang ikumpara pa niya ang mga bakla (espadahan) at tomboy (pompiyangan) sa hayop.

Ayon kay Pacquiao, na bukod sa pagiging boksingero ay isa pang pastor at Bible reader, mabuti pa ang hayop ay nakakikilala ng babae at lalaki. Halimbawa, ang lalaking hayop ay hindi “yayari” o makikipag-sex sa lalaking hayop din. Halimbawa uli, ang isang tandang (rooster) ay tiyak na inahing manok (mother hen) ang hahabulin at hindi ang kapwa tandang sapagkat tiyak na sasabungin siya nito.

Samakatuwid, okey lang kay Manny ang union, pero ayaw niyang nagtatalik ang lalaki sa lalaki (bakla) at ang babae sa babae (tomboy). Napakasagwa raw nito. Binanggit pa niya ang kaso sa Sodom at Gomorrah na pinarusahan ng Diyos dahil sa kasuklam-suklam na gawaing-sekswal ng mga mamamayan doon.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nang malaman niyang galit ang LGBT sa kanya, agad nag-sorry si Manny sa mga miyembro nito, subalit iginiit niyang kontra siya sa same-sex marriage na kinulayan ng pagtatalik ng lalaki sa lalaki at babae sa babae.

Bilang isang Katoliko, katig ako sa paniniwala ni Manny na hindi dapat magtalik ang lalaki sa kapwa lalaki, at gayundin sa parte ng babae. Ang kasal ay talagang itinalaga ng Maykapal para sa pagsasama ng isang tunay na lalaki at isang tunay na babae na ang layunin ay bumuo ng isang pamilya kasama ang mga anak. (BERT DE GUZMAN)