Nadakip ng mga tauhan ng pulisya ang apat na katao, kabilang ang isang university professor, matapos maaktuhang nagpa-pot session sa Davao City, nitong Huwebes ng hapon, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa Davao City Police Office (DCPO), isang buy-bust operation laban sa isang alyas “John-John” ang ikinasa ng awtoridad dakong 3:20 ng hapon sa Barangay 31-D Boulevard sa Sta. Ana, ngunit naaktuhan nila ang pot session ng mga suspek.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Percival Bisnar Cabang, 46, may asawa, propesor, at residente ng Bgy. Lanang, Davao City; Lauro Texas Unggay, 48, binata, pintor, ng Bgy. 76-A, Bucana; Junard Capuyan Ruiz, 48, may asawa, taxi driver, ng Km. 5, Buhangin; at Eric Louie Balante Maelwas, 42, ng Bacaca, Davao City.

Nasamsam ng pulisya ang tatlong pakete ng shabu, P500 marked money, at drug paraphernalia. (Fer Taboy)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?