Sa ikalawang pagkakataon, muling pangangasiwaan ng Y Styler Sports Plus sa pakikipagtulungan ng Team Insider Promotion na pinakamalaking local Mixed Martial Arts event ngayon sa Makati Square Arena.

Magsisimula ang aksiyon sa ganap na 5:00 ng hapon.

Tinawag na “Blood & Glory 2”, tampok ang pinakamahuhusay na local fighter sa sports na nagsisimulang kilalanin ng Pinoy sports aficionado.

Ang naturang sports event ay binubuo ng Y14 Events Management at Team Insider Promotion para palakasin ang kamalayan ng Pinoy sa sports, gayundin ang mabigyan ng tamang venue para maisulong ang programa sa MMA.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Ang mga naghandog ng suporta sa nasabing event ay ang DyseOne California, Mulligan’s, Rogues’s Sports Bar, Adam’s, Howzat, Megaworld Sports, Senor Polo at Levie.

Ang final match at weigh-in ay gaganapin sa 2nd floor, Elenar Bldg., Kalayaan Ave., Makati City.