CONCEPCION, Tarlac — Nagbigti ang isang 38-anyos na lalaki matapos damdamin ang mungkahi ng kanyang ina na magtrabaho ang kanyang misis, sa Barangay Sta. Maria, Concepcion, Tarlac.

Kinilala ni PO2 Regie Amurao, ang biktima na si Carlo Alvarado, 38 anyos.

Ayon sa anak nitong si Carla, 15, nagtalo ang kanyang lola at ama hinggil sa paggigiit ng una na magtrabaho na ang kanyang ina para makatulong sa bahay.

Hindi pumayag si Alvarado sa mungkahi ng ina nito at sa sobrang sama ng loob ay nagbigti gamit ang nylon cord.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ang kasong ito ay patuloy pang sinisiyasat ng Concepcion Police. (Leandro Alborote)