MALAKING sorpresa para sa youth supporters ng senatorial candidate na si Joel Villanueva ang surprise musical number na handog ni Edgar Allan Guzman sa kick off ng kampanya nito na ginanap nitong nakaraang February 9 sa Amoranto Sports Complex.

Inihayag din ni Edgar ang kanyang plano na magbalik sa pag-aaral sa ilalim ng TESDA na pinamunuan noon ni Joel Villanueva.

“Malaking bahay po sa akin na mapalawak pa ang nalalaman ko kaya plan ko talaga na ituloy ko na ang culinary course under TESDA. Kahit na busy sa trabaho bilang artista bibigyan natin ‘yan ng oras dahil importante ito para sa akin.”

Sa kanyang personal na buhay, naikuwento ni EA na single siya ngayon kaya’t focus ng kanyang attention ang pag-aalaga ng kanyang nanay na kagagaling lang sa karamdaman.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Breadwinner ng pamilya si EA kaya doble ang kanyang kayod at hindi rin naman pinagkakaitan ng blessings.

Samantala, sa mga nakaka-miss sa kanyang character sa Kapamilya serye na Doble Kara, sinabi ng aktor na magbabalik ang kanyang papel sa palabas.

“Hintayin n’yo lang po, magbabalik ang role ko sa Doble Kara at marami pa kayong dapat abangan sa serye namin.”

Matagal ding nagkausap sina EA at Joel Villanueva at humanga si EA sa sa hangarin ng senatoriable na mapalaganap ang edukasyon at kaalaman lalo na sa kabataan. (ADOR SALUTA)