Umapela ang mga kabataan at human rights group nitong Martes kay Pangulong Aquino na maglabas ng executive order na pipigil sa napipintong pagtaas ng tuition at iba pang bayarin sa susunod na academic year.

Nanawagan ang mga cause-oriented group kasunod ng mga resulta ng independent monitoring na isinagawa ng Kabataan Partylist na nagbubunyag na 400 kolehiyo at unibersidad ang nakatakdang muling magtataas ng tuition at iba pang bayarin sa eskuwelahan para sa 2016.

“Ordering a blanket tuition moratorium is the least this inutile government could do to help ease the burden of students and their parents. It is doable, it is possible,” sabi ni Kabataan Rep. Terry Ridon.

Sinabi ng grupo na ito rin ang ginawa ni dating Pangulong Gloria Arroyo noong 2008 kahit na ang kautusan ay inilabas sa panahon ng enrolment at sakop lamang ang mga eskuwelahan ng estado.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Laman din ng kautusan ni Arroyo ang apela sa mga pribadong paaralan na huwag magtaas ng tuition noong taong iyon.

“Aquino has not done anything in his almost six years in office to stop tuition and other fee increase. In fact, college unaffordability reached a new height under this presidency. When he stepped into Malacañang in June 2010, students shelled out between P30,000 and 50,000 on tuition yearly. This amount has already doubled to between P60,000 and P100,000 in 2015,” sabi ni Sarah Elago, pangulo ng National Union of Students on the Philippines (NUSP).

Binanggit din ni Elago na sa ilalim ni Aquino, halos dumoble ang taunang kinita ng ilan sa pinakaprominenteng unibersidad.

“In fact we have schools like the Far Eastern University (FEU) and University of the East that are included in the Top 1,000 corporations in 2015,” banggit niya.

Ang mga sumusunod na pribadong unibersidad ay kabilang sa 2015 Business World Top 1,000 Corporation listing: Far Eastern University (FEU), No. 692 (gross revenue), No. 252 (net income); University of the East (UE), No. 849 (gross revenue), No. 351 (net income); STI, No. 957 (gross revenue), No. 317 (net income) at Malayan Colleges, No. 975 (gross revenue), No. 279 (net income).

Idinagdag niya na nasa sentro ng isyu ng taunang pagtaas ng tuition ang polisiyang deregulasyon ng gobyerno na nakapaloob sa Education Act of 1982, na nagpapahintulot sa mga may-ari ng pribadong paaralan na magtakda ng kanilang sariling tuition rates. (Chito A. Chavez)