BORACAY ISLAND - Kinumpirma ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang unti-unting pagkasira ng coral reefs sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan.
Ito ay matapos na magsagawa ang DENR ng pag-aaral sa pito sa 25 diving site sa Boracay noong Setyembre 28-Disyembre 9, 2015 at noong Enero 16-17 ngayong taon.
Ayon sa kagawaran, ang patuloy na pagkasira ng bahura ay epekto ng El Niño na nagdudulot ng crown bleaching at pagdami ng crown of thorns, bukod pa sa sanhi rin ng negosyo ng diving sa Boracay.
Base sa pag-aaral, daan-daang diver ang bumibisita sa bawat isa sa mga diving site sa isla araw-araw.
Pinag-aaralan na rin ng DENR kung paano masosolusyunan ang pagkasira at paglalaho ng coral reefs sa Boracay.
(Jun N. Aguirre)