Star's Marc Pingris tries to steal the ball from Meralco Import Arinze Onuaku

Mga laro ngayon

(Araneta Coliseum)

4:15 n.h. -- NLEX vs Phoenix Petroleum

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

7 n.g. -- Meralco vs Rain or Shine

Haharapin ng Meralco Bolts ang Rain or Shine Elasto Painters, kipkip ang kumpiyansa at momentum na maaga nilang naitaguyod sa pagbabalik ng aksiyon sa OPPO-PBA Commissioners Cup ngayon sa Smart-Araneta Coliseum.

Kasalukuyang nagsosolo sa ibabaw ng team standings matapos mangibabaw laban sa Star Hotshots at TNT Texters, target ng Bolts na makuryente rin ng kanilang opensa ang Elasto Painters sa kanilang duwelo sa ganap na 7:00 ng gabi.

Magtutuos naman sa unang laro ganap na 4:15 ng hapon ang NLEX at Phoenix Petroleum.

Naniniwala si Bolts coach Norman Black na nasa magandang kondisyon ang kanyang koponan at natugunan ng kanilang import na siArinze Onuaku ang malaking problema nila sa rebounding.

“We need to improve our spacing. We are in good condition this conference and hope to keep our composure,” pahayag ni Black.

Para naman kay Rain or Shine coach Yeng Guiao marami pa umano silang puwedeng ma- improve partikular ang kanilang depensa, sa kabila nang pananaig laban sa Star sa kanilang unang laro.

Aniya, wala pa sa tamang kundisyon ang kanilang import na si Wayne Chism.

“Wayne is still struggling to get his game back,” ani Guiao.”We’re still a bit out of shape.We just have to live with what we have.”

Sa unang laban, gaya ng Rain or Shine, target din ng NLEX na masundan ang malaking panalo na kanilang naitarak laban sa crowd-favorite Ginebra Kings.

Masusukat din ang husay ni import Al Thornton laban sa bagong import ng Phoenix na si 6-foot-9 Nigerian Kenny Adeleke.