Pormal na kinuha ng University of the East ang double championship sa UAAP Season 78 fencing tournament kahapon sa Blue Eagle gym.

Tinapos ng Red Warriors ang panibagong title run sa men’s side nang manaig sa team foil event sa huling araw ng kompetisyon.

Umani ang Red Warriors ng apat na gold, tatlong silver at dalawang bronze medal, para ungusan ang University of Santo Tomas (2-0-2) at University of the Philippines (0-2-3).

Ang graduating na si Michael Nicanor ang nagwagi sa individual men’s foil event at nahirang na tournament MVP.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Winakasan naman ng Lady Warriors ang kanilang kampanya sa women’s division sa pamamagitan ng pagwawagi sa saber at epee team events.

Sa pamumuno ni season MVP Keren Pangilinan, kumolekta ang UE ng 5-1-2 medal para makopo ang ikasiyam na sunod na panalo.

Pumangalawa ang UST na may 1-2-2 medal tally kasunod ang La Salle na may 0-2-4.

Ito ang ikaapat na sunod na taon na nagwagi ng championship double ang UE.