Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

2 p.m. Cafe France vs. Wang’s Basketball

4 p.m. AMA Online vs.Tanduay Rhum

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Target ng Café France na mahila ang winning streak sa apat sa pakikipagtuos sa Wang’s Basketball ngayon sa 2016 PBA D-League Aspirants Cup elimination round sa San Juan Arena.

Nakatakda ang laro ganap na 3:00 ng hapon at asam ng Wang’s na maputol ang two-game losing skid.

Umaasa si Bakers coach Egay Macaraya na mananatili ang porma at kumpiyansa ng koponan, higit at mas gutom na karibal ang kanilang makakasagupa.

“Everyday we’re getting better and I hope this will continue and help us for the tough games ahead. Galing sa dalawang talo ang kalaban kaya medyo gutom yan,” ani Macaraya.

“Maaga pa masyado at saka hindi talaga puwedeng maging kampante kasi malayo pa kami dun sa target namin,” aniya.

Target naman ng Tanduay na masundan ang two-game winning streak para makalapit sa liderato. Nagtala ng dalawang sunod na panalo ang Rhum Masters kontra Mindanao Aguilas at Wang’s Couriers.

“We will continue to play hard para makahabol sa mga teams na nasa itaas.At parang preparation na rin for the tough battles ahead,” pahayag ni Rhum Masters coach Lawrence Chongson. (MARIVIC AWITAN)