CLUELESS ang kampo ng aktres tungkol sa personal niyang problema dahil wala naman siyang binabanggit sa mga ito at lagi namang positibo ang mga kuwento niya tungkol sa karelasyon.

Tulad ng isyung napakadominante pala ang boyfriend niyang may koneksiyon din sa showbiz, walang kaalam-alam ang mga taong nakapaligid sa kanya na lagi palang napapagalitan at nasesermunan ang dalaga na para bang maliit pang bata.

“Hindi naman kasi nagkukuwento sa amin si _____ (aktres) tungkol kay ____ (boyfriend) kaya wala kaming alam. ‘Pag minsang magkuwento, puro magagandang bagay at kapag dumadalaw naman, maganda ang pakita, so wala talaga kaming alam,” sabi ng kampo ng aktres.

Boto ba ang kampo ng aktres sa boyfriend niya?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Okay naman kasi nga maganda pakita sa amin. Hindi ko alam kung silang dalawa lang,” sabi sa amin.

Darating ang araw, lalabas at lalabas din ang mabahong ugali ng boyfriend na pilit pinagtatakpan ng aktres.

(Reggee Bonoan)