Pormalidad na lamang ang hinihintay ng University of the East para maiuwi ang double championship sa UAAP Season 78 fencing tournament matapos maipanalo ang dalawa sa tatlong event kamakailan sa Blue Eagle gym.

Maagang sinelyuhan ng Red Warriors ang ikaapat na sunod na men’s title makaraang magwagi sa men’s sabre team event kontra Far Eastern University, 45-17, sa pamumuno nina Michael Nicanor at CJ Concepcion.

Nakabawi ang Red Warriors sa kabiguang nalasap sa kamay ng University of Santo Tomas, 42-45, sa men’s epee event.

Mayroon na ngayong natipong tatlong gold, tatlong silver at dalawang bronze medal ang Red Warriors at kahit pa mawalis nang pinakamahigpit nilang karibal na Growling Tigers (2-0-1) ang nalalabing men’s foil event, hindi na rin sila makakahabol.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa kababaihan, sa pangunguna nina dating MVP Justine Gail Tinio at Keren Pangilinan, tinalo ng Lady Warriors ang University of the Philippines sa women’s foil, 45-34, para siguruhin din ang ikasiyam na sunod na kampeonato.

Mayroon nang kabuuang 3-1-2 medal ang UE at hindi na rin sila aabutin ng pumapangalawang UST (1-1-1) kahit walisin pa ng mga ito ang natitirang sabre at epee events. (Marivic Awitan)