Napanatili ni WBO bantamweight champion Pungluang Sor Singyu ang kanyang korona matapos ang 7th round technical decision kay No. 4 ranked Jetro Pabustan ng Pilipinas, kamakalawa sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Ngunit, mapapasabak siyang muli kontra sa isa pang Pilipino nang ipahayag ng WBO na mandatory contender si No. 1 Marlos Tapales para sa susunod na pagdepensa sa korona ng Thai star.

Nakuha ni Tapales ang pagiging No.1 contender nang pabagsakin sa second round ang dating walang talong si Shohei Omori noong Disyembre 16 sa Kyoto, Japan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“WBO bantamweight champion Pungluang Sor Singyu (52-3, 35 KOs) retained his belt with a seven round technical decision over Jetro Pabustan (26-2-6, 7 KOs) on Friday in Nakhon Ratchasima, Thailand,” ayon sa ulat ng Fightnews.com.

“Heads clashed numerous times in the fight and the bout was eventually halted due to a bad cut suffered by Pabustan.

“Scores were a 70-63 clean sweep for Pungluang, who was making his first defense of the belt,” ayon pa sa ulat.

Nakuha ni Pungluang ang WBO bantamweight title nang talunin ang dating Pinoy na si AJ Banal via TKo sa ikasiyam na round noong 2012 sa MOA Arena, Pasay City. Naagaw ni Namibian Paulus Ambunda ang titulo sa puntos pagkaraan lamang ng limang buwan.

Nabawi niya ang titulo via second round TKO laban kay Japanese Ryo Akaho noong Agosto sa Ratchaburi, Thailand.

(Gilbert Espeña)