Maaayos ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng paghahanda para sa halalan sa Mayo 9.
Sinabi ni Presidential Communications Sec. Herminio Coloma Jr., na tiwala ang Malacañang na ginagawa ng Comelec ang lahat para maresolba ang mga aberya sa automated system, tulad ng problema sa vote-counting machines at source code para matiyak na maisasagawa ang halalan sa itinakdang petsa.
Ang mga pahayag ni Coloma ay kasunod ng pagpapahiwatig ng pagkabahala ng ilang mga kandidato sa magiging kredibilidad ng halalan gamit ang automated system. (Beth Camia)