malou copy

INIHAYAG ng ABS-CBN Corporation ang pagtatalaga kay Malou Santos bilang chief operating officer (COO) ng Star Creatives simula Pebrero 15, 2016.

 

Bilang COO ng Star Creatives, patuloy na pamamahalaan ni Malou ang paggawa ng mga de-kalibreng pelikula, primetime teleserye, at multi-platform na Pinoy music. Patuloy din niyang palalakasin ang Star Music sa pamamagitan ng live events production, radio programming, at artist development and management.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

 

Sa ilalim ng pamumuno ni Malou, naging pinakamatagumpay na film studio sa bansa ang Star Cinema sa paghahatid ng mga de-kalidad na pelikulang patok sa panlasang Pinoy. Tumabo rin sa takilya ang mga pelikula ng Star Cinema, patunay ang 10 highest-grossing Filipino movies of all time na naprodyus nito, kabilang na ang Beauty and the Bestie, ang highest-grossing na Filipino film sa kasaysayan, pati na ang A Second Chance, ang highest-grossing non-Metro Manila Film Festival local film sa kasaysayan.

Pinalawak din ng Star Cinema ang pagpapalabas nito ng mga pelikula para maabot at mapanood ito ng mga Pilipino hindi lang sa bansa kundi pati na sa buong mundo.

 

Si Malou rin ang nasa likod ng tagumpay ng Maalaala Mo Kaya at iba pang world-class na primetime dramas gaya ng Pangako Sa ’Yo, Forevermore, The Legal Wife, Princess and I, Lobo, Magkaribal, Maging Sino Ka Man, at Imortal.

 

Noong 2013, pinangaralan si Malou ng Communication Excellence in Organizations (CEO Excel) Award mula sa International Association of Business Communicators (IABC) Philippines para sa kanyang epektibong paggamit ng komunikasyon sa kanyang pamamahala para matupad ang misyon ng Star Cinema na magbahagi ng mga kwentong nagbibigay inspirasyon at pag-asa sa mga Pilipino.