Sa paggunita sa Araw ng mga Puso ngayong Linggo, nag-alok ng libreng sakay ang mga “pink jeepney” na bumibiyahe sa Novaliches, Quezon City para sa kababaihan, senior citizen, menor de edad at may kapansanan, lalo na pagsapit ng “rush hour.”

Ang PINK campaign o Para sa Interes ng Kababaihan, Katandaan, Kabataan at may Kapansanan, ay suportado ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Partikular na pininturahan ng pink ng Cazanova Transport Service Cooperative (CTSC) ang mga taxi unit nito upang magsakay ng kababaihan, kabataan, may kapansanan at senior citizen ngayong Valentine’s Day.

Ayon kay LTFRB Board Member Ariel Inton, ang libreng sakay ay bilang regalo ng CTSC sa mga commuter sa gitna ng dumaraming reklamo laban sa mga arogante at pasaway na driver, hindi lang ng taxi kundi maging ng ibang pampublikong sasakyan.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“Suportado natin nang todo ang activity na ito at nagpapasalamat kami sa mga transport organizations na kasama natin sa kampanya laban sa mga pasaway na drivers,” giit ni Inton. (Czarina Nicole O. Ong)