Bukas na ang pagpapatala ng lahok para sa gaganaping first leg ng 2016 Tanduay beach Volleyball Invitational sa Pebrero 27 sa Cantada Sports Center sa Taguig City.

Ang torneo, itinuturing na pinakaunang nagsagawa ng beach volleyball competition sa bansa, ay itinataguyod din ng Philippine Volleyball Fedeartion (PVF).

Sa mga interesadong makibahagi sa lehitimong programa sa beach volleyball, makipag-ugnayan sa mobile number (09266939640 at 09178332353).

Ayon kay organizing committee chief Gerald Cantada, ang kompetisyon ay libre at bukas para sa koponan ng lalaki at babae. Pinangangasiwaan ang technical personnel ng mga lisensyadong volleyball officials mula sa PVF.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bukod sa tropeo, naghihintay din ang cash at gift certificates sa Century Park Hotel buffet para sa mananalong koponan.

Ang Joe Cantada Sports, pinangangasiwaan ni PVF President Edgardo ‘Boy’ Cantada, ang nagpasimula ng beach volleyball tournament sa bansa mula noong 2003.