SUMAKABILANG-BUHAY si Jun Min-woo, na binansagang “Little Psy” matapos sumayaw ng Gangnam Style sa isang TV show at dahil sa malaking pagkakahawig niya sa Korean rapper, dahil sa brain cancer. Siya ay 12 taong gulang.

Pebrero 8 nang isugod siya sa ospital sa probinsiya ng Jilin sa China, dahil sa hirap sa paghinga. Namatay siya kinabukasan.

Taong 2012 nang sinayaw ni Jun Min-woo ang Gangnam Style sa Chinese TV show na Chinese Dream Show. Makalipas ang isang taon, sumali naman siya sa isang Korean talent search show na Star King.

Taong 2014 nang ma-diagnose siyang may brain stem glioma at nagtungo siya sa South Korea para magpagamot, ayon sa Korea Herald.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Matapos malaman ang kondisyon ng bata, inimbitahan ni Psy si Jun Min-woo sa kanyang concert noong Disyembre 21, 2014 upang bigyang-katuparan ang hiling ng bata na makita siya sa personal.

Lumala pa ang kondisyon ng bata noong Mayo 2015 at nagdesisyon ang kanyang pamilya na bumalik na lang sa China.

(MB Entertainment)