Daniel at Kathryn copy

WALANG kasamaang nagtatagal. Ito ang muling patutunayan sa pagwawakas ng top-rating teleseryeng ng Pangako Sa ‘Yo ngayong gabi.

Hindi na nakawala si Claudia (Angelica Panganiban) sa kanyang mga kasalanan sa unti-unting pagkakalantad ng katotohanan sa kanyang pagpapanggap.

Bistado na ang pagmamanipula ni Claudia nang madiskubre ni Amor (Jodi Sta. Maria) na ito nga ang pumatay kay David (Diego Loyzaga), at determinado si Amor na singilin ito para mabigyan ng hustisya ang anak.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Kasabay nito ang pagbubunyag na hindi tunay na magkapatid sina Yna (Kathryn Bernardo) at Angelo (Daniel Padilla), dahil ang tunay na ama ng huli ay si Simon (Alex Medina), at hindi si Eduardo (Ian Veneracion) – isang katotohanang itinago ni Claudia sa kanyang pamilya.

Inaabangan siyempre ng mga manonood kung may natitira pa kayang pag-asa kay Claudia para mapatawad ng mga taong inapi at nasaktan niya.

Lalong inaabangan kung may makakapigil pa ba sa wagas na pagmamahalan nina Yna at Angelo.

Buong bayan ang nakatutok sa napipintong pagtatapos ng Pangako Sa ‘Yo na gabi-gabing tinutukan ang mga makapigil-hiningang eksena.

Katunayan, muli nitong nakamit ang all-time high rating na 42.7% nitong nakaraang Martes, 25 puntos ang lamang sa That’s My Amboy ng GMA na nakakuha lang ng 17%, ayon sa survey data ng Kantar Media.

Huwag palampasin ang huling gabi ng classic love story ng mga Pilipino pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN Primetime Bida. (ADOR SALUTA)