RIO DE JANEIRO (PNA/Xinhua) — Nadebelop ng mga Brazilian researcher ang isang molecular test na ma-detect ang presensiya ng Zika virus sa isang pasyente sa loob lamang ng limang oras, sinabi ng academic sources nitong Miyerkules.
Ipinahayag ng University of Unicamp (UNICAMP), sa timog silangan ng Brazil, na nade-detect ng test ang Zika virus sa dugo, laway, at ihi.
Naging matagumpay ang pananaliksik, pinamunuan ng mga eksperto mula sa Unicamp, kasama ang iba pa mula sa University of Sao Paulo (USP) at Sao Paulo State University (UNESP), dahil sa impormasyong ipinadala ng mga Senegalese researcher.
Simula sa Lunes, ang exam results ay gagamitin upang subukin ang mga sample mula sa mga pinaghihinalaang pasyente ng Zika sa Campinas Clinical Hospital sa estado ng Sao Paulo.