Umaasa ang isang obispong Katoliko na magiging instrumento sa pagbabago ng takbo ng halalan sa bansa ang panahon ng Kuwaresma.

Sa panayam ng Radyo Veritas nitong Ash Wednesday, ang simula ng Kuwaresma, sinabi ni Borongan Bishop Crispin Varquez, na dapat samantalahin ng mga botante ang Kuwaresma upang magnilay kung sino ang mga kandidatong dapat nilang iluklok sa puwesto.

“Sikapin din natin ngayong panahaon ng Kuwaresma lalo na ngayon start na ang campaign sa national position na mabago sana ang takbo ng eleksyon sa Pilipinas na piliin natin ang tamang lider at huwag ibenta ang boto natin para may hope na pagbabago tayong magaganap sa bansa kung makakapili tayong mabuting leaders,” himok ni Varquez.

Ayon pa sa obispo, dapat nang magising ang mamamayan at maunawaan na ang pagbabago ay dapat na magsimula sa sarili, sa pamamagitan ng pagboto ng tamang kandidato.

National

4.7-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Politics now is not a moral service anymore but becomes a business for many… hindi naman lahat, meron namang matitino, pero sa karamihan hindi na service ang politics kundi negosyo na… Yan ang nangyayari, so this is a wakeup call for the Filipinos, tayo mismong mga tao ang dapat mag-start to a new way of handling the elections,” aniya pa.

(Mary Ann Santiago)