TACURONG CITY, Sultan Kudarat - Patuloy na naghihintay ng tugon ng Sangguniang Panglalawigan si Sultan Kudarat Provincial Agriculture Office chief, Engr. Nestor Casador, kaugnay ng isinumite niyang datos sa pinsala ng El Niño sa lalawigan, habang naghahanap ng mga paraan upang matulungan ang mga apektadong magsasaka.

Una nang inihayag ng Department of Agriculture (DA)-Region 12, sa ilalim ng pamunuan ni Director Amalia Jayag Datukan, na marami nang hakbangin ang kanilang nagawa, gaya ng cloudseeding at ayuda sa mga magsasaka, upang maibsan ang epekto sa agrikultura ng matinding tagtuyot.

Batay sa mga nakalap na datos, apektado na ang mga negosyo, pag-aaral ng mga anak ng magsasaka, at dumami ang naghahanap ng trabaho sa Sultan Kudarat dahil sa El Niño. (Leo P. Diaz)
Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?