CAMILING, Tarlac - Sa tulong ng Facebook ay nailigtas ang isang dalagang kasambahay na hinalay umano ng anak ng kanyang amo sa Barangay Nagserialan, Camiling, Tarlac.

Iniligtas ng kanyang pamangking babae ang 18-anyos na biktima ng panghahalay umano ni Khalid Aquino, may asawa, nasa hustong gulang, ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni PO3 Joan Poco, nangyari ang panghahalay dakong 2:00 ng hapon nitong Lunes, nang tawagin ni Aquino ang biktima at pinasunod sa kuwarto, pero ginahasa roon ang dalaga. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog